30 June 2009

Kamusta

Ang tagal ko nang hindi sumusulat. Hindi ko alam kung bakit.

Teka, sa mga maarteng hirap daw mag-basa ng Filipino, tangina wag na kayong mag-inarte. Pagod na pagod na ako sa mga kaartehan at ka-plastikan na nakapaligid sa akin ngayon. Nakakahiya, Pilipino kayo, dito kayo nakatira tapos ikakahiya niyo wika natin, gagamitin niyo lang pag kausap niyo mga drayber at kasambahay niyo. ANO BA. HAHA.

Malamang nagtataka kayo kung saan ako nanggagaling at nagsusungit ako. LOL. Pasensya na, ilang araw na kasi akong nabibingi sa ka-konyohan ng mga tao sa school. Nung nasa restroom nga ako sa loob ng cubicle, may narinig akong usapan ng tres bruhildas, mga sophies yata na dapat pinag-uuntog ko na sa salamin. Paano, mag kukuwentuhan na nga lang at magtatanungan kung okay bang mag-minor sa dakilang Management na course, lalaitin pa ang IS. Please lang.

I swear, cynic na ako. Gusto ko nang matapos at grumaduate bago pa lalong lumala ang populasyon ng naturang elite school na iyon. Sayang. Sayang na talaga. Parang hindi na iyon yung institusyon na tinalun-talunan ko sa sobrang tuwa noong pumasa ako. Sana nagkakamali ako ng pananaw, para na rin sa ikabubuti ng mga nangangarap pumasok doon hindi dahil sosyal o high profile ang eskwelahan pero dahil sa paniniwalang kahit papaano, maganda pa rin ang edukasyong nabibigay nila na hindi mahahanap sa iba.

ANYWAY, tulad ng sabi ko kanina, ang tagal ko nang hindi nagsusulat. Maraming nangyari at nagbago, halata naman sa mga pinagsasasabi ko ngayon. Mukhang frustrated ako pero sa kabuuan, masayang masaya ako dahil sa wakas nahanap ko na rin yung gusto ko, o at least yung sa tingin ko ngayon na gusto kong gawin talaga. :))

Yon.

Sa susunod na ako magkukuwento, inantok ako bigla. LOL

0 walked with me: