Bihira lang dumating ang mga taong kaya mong kausapin ng buong-buo, iyong mga taong mapagkakatiwalaan mong ibuhos ang sarili mo nang hindi natatakot na baka hatualan ka nila bilang ganito o ganyang tao. Iyong mga taong kaya o sinusubukan kang sabayan kahit papaano sa pagmumuni. Iyong mga taong handa at lubos na nakikinig sa mga salita mo, na hindi lang tumitigil sa pagdinig ng aktwal mong boses at mga salita kundi pagdinig ng mismong pagkatao mo, na pati ang mga bagay na hindi mo sinasabi ay naririnig at naiintindihan. "Can see through you" kumbaga.
Bihira lang.
04 July 2009
Bihira lang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 walked with me:
Post a Comment