23 November 2008

Tiyan

Bilog
Malaki
Parang lobo
o di kaya'y lalaking buntis
Pero kung gusto niyong cute,
tatawagin ko silang Winnie the Pooh


Wala lang. Kanina lang kasi ang dami kong nakitang lalaking pinapakita sa buong mundo ang naglalakihan nilang mga tiyan.

Wala naman masama sa malaking tiyan. Tiyan ko rin naman mismo ay malaki kaya nga ayaw kong ipakita. Nagtataka lang ako kung bakit yung iba, itataas lang yung damit na tama lang para mailabas yung tiyan. Parang nasa tiyan nila yung ilong nila. Kailangang tanggalan ng takip para makahinga. Bakit?

Hm.

1 walked with me:

MzUnicaHija19 said...

Hahhahhahahhaha...
I agree with you there, I dunno why guys do this and mostly in the Phils that they take off their shirts for... hmmm I dunno. It was the most obnoxious thing. lols